164

By

Miguel, Kyline, Pauline at Bianca, hindi matatawaran ang husay sa ‘Kambal, Karibal’

Sharing is caring!

Intense at hindi na mapipigil pa ang pagtutok ng buong sambayanan sa pinag-uusapan at inaabangang primetime series nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza at Bianca Umali na “Kambal, Karibal” ng GMA Network.

Lalong nagningning ang apat na Kapuso stars dahil sa nakaraang episodes ng Kapuso drama series ay talaga namang makapanindig-balahibo ito.

Nalaman na kasi ni Geraldine (Carmina Villaroel) na totoo ang sinasabi ni Crisan (Bianca) na siyang nasa katawan ngayon ni Cheska (Kyline) na si Crisel (Pauline) ay nasa katawan niya.

Kaya naman si Crisel, nagwawala dahil iniisip niyang hindi siya iniintindi ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Kaya naman sa episode nu’ng isang gabi, aabot na sa sukdulan ang galit ni Crisel dahil alam na ng kanyang ina ang tunay niyang katauhan. Nais na niyang tapusin ang kanyang buhay para hindi na makabalik si Crisan sa kanyang katawan.

Ang top-rating primetime show na ito ay napapanood weeknights, Mondays to Fridays, at mula sa direksyon ni Don Michael Perez at kabituin din ng apat sina Alfred Vargas, Jean Garcia, Carmina Villarroel, Marvin Agustin at maraming iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?