By

Migo Adejer handang magpakita ng ari

Sharing is caring!

Ligtas ang Starstruck winner na si Migo Adecer sa paglalandi at halik ng maharot na character ni Rhian Ramos sa The One That Got Away dahil magkapatid ang role ng young actor sa GMA series.

Big sister din ang turing ng Kapuso actor kay Rhian at nagkakasundo rin sila sa music. Eh, pagkagaling ng Kapuso actress sa Thailand, sinalhan siya ng exotic food galing sa bansa gaya ng grasshopper at silkworms.

“Oo, kinain ko! ‘Yung silkworms para sa akin taste like isaw. ‘Yung grasshopper, super crunchy. I’ve been to Thailand. Nag-try lang ako ng scorpion,” chika ni Migo nang pasyalan ng press sa taping.

Biggest exposure niya ang TOTGA after Encantadia at My Love From The Star. Nabuo rin dito ang loveteam nila ni Kelly Day na bagong contract artist ng GMA.

Kapag walang ginagawa, bumibiyahe si Migo sa La Union kung saan madalas niyang makasama si Gov Lloyd ( ng Eat Bulaga’s Jackpot en Poy) na personal trainer niya ngayon.

Tulad ng ibang male cast sa series, nakapaghubad na siya ng tatlong beses sa screen. Aminado siyang komportable sa paghuhubad.

“I can even go naked! I realized na ang personality ko, wala akong shame and I’m very not conscious about my body,” rason niya.

Payag siyang maghubad kapag may offer na indie film. “Yes but I will do that if I am only 25 or 26. If it’s like high school Riverdale scene, I could do that. At this age, I think the only thing I could do is walk to the shower with my butt cheeks but not on photo.

“When I’m 25 or 26 depending on the role and depending sa….I wouldn’t do that if I don’t actually believe in the film, script, people and the team,” rason ni Migo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?