196
Migo Adecer kakasuhan dahil sa pekeng driver’s license
By

Migo Adecer kakasuhan dahil sa pekeng driver’s license

Sasampahan umano ng kaso sa Abril 2 ng Makati Police ang aktor na si Migo Adecer.

Ayon sa ulat sa 24-Oras, ang magiging kaso umano ni Adecer ay falsification of documents dahil sa pagpresinta ng aktor ng pekeng lisensiya sa pagmamaneho nang maaresto siya kamakailan.

Sa isinagawang case conference ng mga awtoridad, kinumpirma umano ng Land Transportation Office na peke ang isa sa dalawang lisensiya na ipinakita ni Adecer.

Ang falsification umano ay seryosong krimen na may kaakibat na parusa na hindi bababa sa anim na taon na pagkakakulong.

Nadiskubre rin na may dalawang record na ng paglabag sa batas trapiko si Adecer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?