271

By

Mighty Sports palalakasin nina Gray, Adams

Dalawang Filipino-American players ang bagong dagdag sa Mighty Sports – Philippine Team na sasabak sa 2019 Dubai International Basketball Championship.

Sina Jeremiah Gray at Roosevelt Adams ang bagong dagdag sa tropa ng Pilipinas na gagabayan at pangungunahan ni coach Charles Tiu.

Ang 6-foot-4 na si Gray, naglaro sa Dominican University of California, ay gumawa ng panibagong record nang pumoste ng 509 points sa isang season.

Habang ang 6-foot-5 na si Adams naman ay inaashaang palalakasin ang outside threat ng koponan.

“These two Fil-Am players are welcome additions to the team, and we are hopeful they can easily adapt to the system of coach Charles (Tiu),” wika ni Mighty Sports co-team owner Alex Wongchungking.

Parehong kumpiyansa si Wongchuking at Tiu na maganda ang kalalabasan ng Pilipinas ngayon sa liga dahil noong una nitong sabak ay isang beses lang nanalo ang Pilipinas.

“The tournament is one of the toughest events in the Middle East, but we’re hopeful we will perform better this time,” dagdag ni Wongchungking.

Pangungunahan ang Mighty ni NBA veteran at dating LA Lakers star Lamar Odon, Ginebra import Justin Brownlee at Chinese Basketball Association import Randolph Morris.

Kasama din sa line-up sina Jett Manuel, Gab Banal, Juan Gomez de Liano, Santi Santillan at Justin Gutang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?