40

Mar 9, 2020 @ 18:03
By

Mighty Sports nahirang na TOPS Athlete of the Month

Walang inatrasan na laban ang Mighty Sports upang masungkit ang kampeonato sa 2020 Dubai International Basketball Championship.

Kaya dahil sa kanilang ipinakitang galing at tikas, kikilalanin ang mga ito bilang Athlete of the Month ng Tabloids Organizstion in Philippine Sports (TOPS) para sa buwan ng Pebrero.

Naging matagumpay ang kampanya ng Mighty Sports, sa pamumuno ni coach Charles Tiu, upang makuha ang seven-game sweep at para maiuwi ang kampeonato at maging first non-Middle Eastern team na magwagi sa prestigious tournament.

Unang basketball team ang Mighty Sports na paparangalan ng monthly award ng newest media group na binubuo ng sports editors, sportswriters at photographers mula sa country’s leading national tabloids.

“Mighty Sports, led by coach Chris Tiu,made all of us proud again in international basketball with their success in Dubai,” sambit ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“It is only fitting that we (TOPS) recognize and pay tribute to the team’s contributions to the country’s status as one of the leading basketball nations.”

Kabilang rin sa pinagpilian ng TOPS para sa February honor ang Philippine National Squash Team na bumagahe ng two golds, one silver at four bronze medals sa 6th SEA Cup in Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan.

Nitong Enero, nasungkit naman ni Australian Open doubles junior champion Alex Eala ang ‘Athlete of the Month’ ng TOPS.

TOPS rin ang presentor ng ‘Usapang Sports’, isang weekly sports forum handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?