17

Jul 25, 2020 @ 17:52
By

Mighty Sports coach Tiu kinasal sa fashion designer

Espesyal ang naging selebrasyon ng second anniversary nina Mighty Sports head coach Charles Tiu at fashion designer Sari Lazaro.

Nagpakasal na kasi ang dalawa noong Huwebes sa isang solemn ceremony sa Tagaytay Midlands.

Dapat daw ay sa Italy sila magpapakasal pero dahil sa pandemic ay nag-iba ang plano, ani Tiu sa Instagram post.

“Finally found the one who makes my life complete. I got to marry the one who makes me want to become a better person and someone who taught me to love with no conditions,” post ng 31-anyos na coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?