51

Jan 20, 2020 @ 21:52
By

Mighty lalong lumakas kay Isaac Go

Isang araw bago magtungo sa Gitnang Silangan ang Mighty Sports, humabol si Gilas cadet Isaac Go sa koponang kakampanya sa 31st Dubai International Basketball Championship 2020 sa UAE sa Enero 23-Pebrero 1.

Nagdesisyon ang club team na agad idagdag ang national training pool member at kaka-graduate lang sa Ateneo sa adhikaing mahigitan ang bronze medal finish sa nakalipas na taon.

Kinatuwa ni MS coach Charles Tiu ang pagdagdag ng 23-anyos at 6-foot-8 na big man.

“Isaac is a great player. He was the number one pick for a reason,” anang bench tactician na top pick ng Columbian Dyip nakaraang buwang PBA Rookie Draft.

Makakasama ni Go sina Kai Sotto, Beau Belga, Andray Blatche at Renaldo Balkman sa kompetitibong koponan.

Gayundin ang kakampi ni Go sa Blue Eagles na si Thirdy Ravena at Xavier Stallions na sina Joseph Yeo, Joaqui Manuel, Gab Banal at Jarrell Lim.

Inaasahang makakatulong ang torneo na tampok ang pinakamagagaling na koponan sa Middle East para kay Go.

“It’s going to be a great experience for him and it will help him prepare for Gilas too,” wakas ni Tiu.

Nakumpleto sa koponan sina Javi at Juan Gomez de Liaño, Sean Dave Ildefonso, Jamie Malonzo at Mikey Williams.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?