69
roberto-balkman
Jul 6, 2019 @ 12:50
By ,

Mighty kayang makipagbuno sa mga karibal sa Jones Cup

Naniniwala si Renaldo Balkman na kakayaning sumabay ng Mighty Sports Philippines sa mga karibal sa nasabing torneo sa Hulyo 12-21 kahit pa maiksi lang ang paghahanda para sa 2019 Jones Cup.

“Don’t count us out yet,” sabi ni Balkman sa balita ng Spin.ph. “I know we haven’t been together for long but these first couple of days, that’s what we are here for, to be together, do what we need to do, and when it is time to start, let’s have fun and ready to roll.”

Mamando sina coaches Charles Tiu at Rajko Toroman para sa PH quintet laban sa ilang national teams na gagamitin ito bilang build-up sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Determinado si Balkman na muling makasungkit ng titulo tapos bigong madepensahan nito ang sa Asean Basketball League (ABL) sa ilalim ng San Miguel Alab Pilipinas.

“I ended my year kinda disappointed to myself and to my team Alab. But I got another chance right now to redeem myself,” ani Balkman.
“Mighty gave me an opportunity to come back here and go win another championship for the Philippines. I love the Philippines,” wakas ng Puerto Rican import.

Masaya rin si Balkman na makita ang ilang PBA imports na kasama sa batalyon na kakatawan sa Pilipinas gaya nina Eugene Phelps, Hamady N’Diaye, Zach Graham, at McKenzie Moore.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?