235
sabong-2
Nov 7, 2019 @ 17:48
By

‘Miggy’ stagfest sa Pasay

Hahatak ng libu-libong sabungero ang main event ng sabong festival sa Pasay City Cockpit, ang “Miggy Big Event 6-Stag Derby” sa Biyernes, Nov. 8 tampok ang 100 sultada.

Sinimulan ang tatlong araw na espesyal na mga sagupaan sa Pasay Cockpit noong Lunes sa ‘MAD Sa Pasay 5-Stag Derby’ at ‘Encuentro Big Event 6-Stag Derby’.

Mangunguna si host Michael Tiqui ng Bulacan sa bakbakan ng Central Luzon at Metro Manila big-time cocker ngayon sa pagtataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ilan sa kasali sina sabong idol Patrick Antonio, Juan Miguel Ignacio, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Mayor Nene Aguilar, Cholo Violago, Bulljack Fortaleza at Jepoy group, Arman Santos, Jojo Cruz, Rodolfo Pineda, Sandy Palito, Lito Orillaza, Mayor Henry Villarica at Nestor Mercado.

Aabot sa P1 milyon at special trophy ang ipagkakaloob sa kampeon.

Bitaw din sa PCC ang “Sandy Palito Big Event 6-Stag Derby” sa Nov. 25 at ang “Digmaan National 11-Stag Derby” (3-stag elims) sa Nov. 28.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?