50

By

Miggs Cuaderno pangungunahan ang tree planting sa La Mesa Dam

Sharing is caring!

Pangungunahan ng Kapuso young actor na si Miggs Cuaderno ang Sagip Kalikasan Tree Planting activity ng AKRHO o Alpha Kappa Rho.

Gaganapin ito sa September 23, 2018 (Sunday) sa La Mesa Dam Watershed, 8 am onwards. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Departmernt of Environment and Natural resources at La Mesa Dam Watershed.

Sinabi ni Miggs ang makakatulong niya sa advocacy niyang ito.

Pahayag niya, “May tree planting po kaming gagawin kasama ko po ang fraternity na founder po ang daddy ko, ‘yung AKRHO at gaganpin po ito sa September 23.

“Around 300 members po ni daddy ang sasama sa akin sa tree planting, daddy ko po ang founder ng AKRHO fraternity and sorority, ang daddy ko po ay si Boy Chua.”

Pahabol pa ni Miggs, “Gusto ko pong makatulong sa Pilipinas para hindi na bumaha. Bale, advocacy po namin ito ni daddy para makatulong sa iwas-baha.

“Kasi ubos na po ang mga puno, kaya dapat na magtanim tayo.”

May ibang celebrity ba siyang makakasama rito?

Esplika ni Miggs, “Baka ako lang po, kasi po balak po namin na libutin ang Pilipinas for tree planting, kasama ang mga members po ni daddy sa AKRHO. Kasi buong Pilipinas, ang daming members po si daddy sa AKRHO, pati sa abroad ay mayroon din po siyang members.

“Nagsabi na rin po ako sa GMA Artist Center sa project ko na ito, pero kasi wala na si Direk Maryo J, siya po kasi ang nag-start nito noong nandoon kami sa Bohol, nag-tree planting po kami. May celebrity forest po siya roon at ang mga artistang bisita niya ay pinagtatanim ni Direk Maryo ng puno.”

Kailan nila ginawa ang tree planting at sino-sinong mga celebrity ang nag-participate?

Wika ni Miggs, “Noong nag-shoot po kami ng movie ni direk Maryo na Bamboo Flowers.”

Samantala, kabilang naman sa pinagkaka-abalahan ngayon sa showbiz ni Miggs ang musical play na ‘Uyayi ng Ulan’ at ang pelikulang ‘Magikland’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?