165
abante-tnt-vismin-miggs-cuaderno
Aug 3, 2018 @ 13:56
By

Miggs Cuaderno, excited na sa pelikulang Magicland

Hindi maitago ng Kapuso young actor na si Miggs Cuaderno ang sobrang kasiyahan sa bago niyang pelikula na pinamamahalaan ni direk Peque Gallaga na pinamagatang Magicland.

Bukod kasi sa bida rito si Miggs, excited siya sa unang pagsabak niya sa isang pelikulang action-fantasy ang tema.

Panimula ni Miggs, “Sobrang saya and excited po ako rito sa movie ni Direk Peque, kasi po ngayon lang ako mag-a-action fantasy. And sobrang blessed po ako na makasama si direk Peque Gallaga, talagang napakalaking karangalan po nito sa akin.

“Maganda pong blessing siya sa akin, answered prayers po ito talaga. Kasi, nakuha ko po ang lead role sa project na ito! Bale, bukod sa pag-pray ko kay God, nag-pray nga rin po ako na sana help ako ni Direk Maryo (J. delos Reyes) na mag-pray kay God na makuha ang role… kaya ito, answered prayers po talaga ito.”

Dagdag na bulalas pa niya, “Si Direk Peque po, napakabait niya po!”

Nabanggit pa ni Miggs na ito ang biggest break niya, so far. “Sabi po kasi nila ay mainstream po ito at nagpasa rin po sila direk Peque sa MMFF.

“Bale, ito po ang first lead role ko po for mainstream. Kasi po sa indie films nakagawa na po ako ng sixteen films,” saad pa ng multi-awarded young actor.

Sino ang co-stars mo rito?

“Marami raw pong mga big actors and actresses na magka-cameo role rito sa movie namin.

“Bale ang ibang kasama ko po rito ay mga baguhan po, ang mga batang kasama ko dito yung isang babae na ka age ko po madalas siya sa GMA-7 as young Marian Rivera po.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?