26

Jun 16, 2020 @ 15:19
By

Middle seat babakantehin ng PAL vs. COVID-19

Inanunsiyo ng Philippine Airlines na simula Hulyo, may ilang panggitnang upuan sa kanilang mga eroplano na iiwanang bakante.

Para anila ito masunod ang physical distancing protocol habang may coronavirus pandemic.

Wika ni PAL spokesperson Cielo Villaluna, Martes, ipupuwesto ang “distancing seats” sa economy at premium economy sections.

“In the social distancing sections, an aisle or middle seat will be left empty in defined rows per aircraft,” dagdag niya.

Bukod sa PAL, magbabalik na rin ang komersiyal na operasyon ng Cebu Pacific at AirAsia Philippines para makabangon sa 11-linggong suspensiyon dulot ng pag-iingat sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?