45

Midas Marquez kinasuhan ng graft

Sharing is caring!

Nagsampa ng reklamo ang isang youth group leader laban kay Court Administrator Jose Midas Marquez sa Office of the Ombudsman.

Kaugnay umano ito ng maling paggamit ng $21.9 milyong halaga ng loans na natanggap ng Supreme Court (SC) noong 2003.

Kinasuhan ni Group of Unified Youth for Social Change founder Rizza Joy Laurea si Marquez ng mga paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nag-ugat ito sa pagpapautang ng World Bank (WB) sa SC para sa implementasyon ng Judicial Reform Support Project (JRSP) na susuporta sa mas accessible na judicial system.

Nakitaan umano ng WB ng iregularidad ang pondo at kuwestiyonableng disbursements sa ilalim ng liderato noon ni Chief Justice Renato Corona kung saan may dalawang posisyon ding hawak noon si Marquez sa SC. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?