88

By

Midas Marquez, inendorso ng mga trial court judge bilang susunod na CJ

Sharing is caring!

Inirekomenda ng Philippine Judges Association (PJA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maitalaga bilang susunod na mahistrado ng Korte Suprema si Court Administrator Jose Midas Marquez.

Ang rekumendasyon ay ginawa sa pamamagitan ng liham na isinumite ng PJA kay Pangulong Duterte.

Ang liham ay pirmado ni PJA President Judge Felix Reyes ng Marikina Regional Trial Court.

Iginiit ng PJA na karapat-dapat na mahirang si Marquez sa pwestong babakantehin sa August 8, 2018 ni Associate Justice Presbitero Velasco dahil taglay niya ang mga qualification at sapat na karanasan para mahirang na mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Kumpyansa rin umano sila sa integridad at kakayahan ni Marquez na halos tatlong dekara nang nagsisilbi sa Korte Suprema.

Ang PJA ay binubuo ng 1,200 mga hukom sa regional trial court.

Kasama si Marquez sa maikling listahan na isinumite ng Judicial and Bar Council kay Pangulong Duterte para pagpilian ng susunod na mahistrado sa Korte Suprema.

Bukod kay Marquez, kasama rin sa shortlist sina : Court of Appeals Associate Justices Ramon Garcia, Amy Lazaro-Javier, Jose Reyes, Apolinario Bruselas at Rosmari Hernando at Dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?