74
IBP: Frontliners, COVID-19 patients huwag pandirihan
Mar 31, 2020 @ 19:20
By

Mid-year cash gift ng mga senior citizens sa Makati matatanggap na

Bukas nang umaga ipamimigay na ng pamahalaang lungsod ng Makati ang midyear cash gift ng nasa 78,262 mahigit senior citizens sa lungsod.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nagpasya silang ibigay ng mas maaga ang cash gift upang mapanatag ang kalooban ng mga senior citizens sa panahon ng krisis na dulot ng Corona Virus Diseae (COVOD-19).

Nanawagan naman si Mayor Abby Binay sa mga senior citizen na manatili lamang sa kani- kanilang bahay dahil mismong ang mga tauhan ng city hall ang maghahatid ng cash gift at may kasama pang food packs.

Aniya, ang mga senior citizen na nasa edad na 60 hanggang 60 anyos ay makakatanggap ng P1,500, ang mga nasa edad 70 hanggang 79 naman ay tatanggap ng P2,000 pesos habang P2,500 pesos naman para sa 80 hanggang 89 ang mga edad

Habang ang 90 hanggang 99 anyos tatanggap naman ng P10,000 at ang edad na 100 pataas ay tatanggap naman ng 100,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?