526

Nov 24, 2021 @ 22:01
By

Michelle Vito mahilig sa doggie

Isiniwalat ng aktres na si Michelle Vito na mahilig siya sa doggie.

Hindi niya bet sumunod sa yapak ng kanyang nobyong si Enzo Pineda na maging military reservist o maging pulis tulad ng kanyang ama.

Giit niya, marami namang paraan para makatulong sa ibang tao.

Gusto raw niyang magtuon sa pagtulong sa mga taong lansangan at maging protektor ng mga aso.

“I promise to extend help in a different way. I want to focus on giving aid to people living on the streets. I also want to help protect dogs because I’m a dog lover,” aniya sa isang ulat ng Inquirer.

Mula sa pagiging commercial model, sumikat si Michelle nang gampanan niya si Megan, ang kontrabidang babae sa fantaserye na “Aryana” taong 2012.

Nagmarka rin siya nang umapir sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2016 bilang si Janice Vergel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?