293

Oct 21, 2017 @ 14:07

Michelle Madrigal, nanganak na sa Amerika

Isang malusog na baby girl ang isinilang ng dating aktres at ngayo’y happily married na sa kanyang non-showbiz boyfriend sa Amerika na si Michelle Madrigal.

Noong Huwebes ng 1:30 ng madaling-araw, Oct. 20, isinilang ni Michelle ang kanyang first born na si Anika Austin Woolfolk.

Healthy ang bata sa timbang nitong 6lbs 8oz at sukat na 20in, bagay na ikinatuwa ng aktres at ng kanyang kasintahan.

@mitch_madrigal: “She was too anxious to meet the world..Anika Austin Woolfolk, 6lbs 8oz, 20in. Born 10-20-17 at 1:39am.”

Limang larawan ng kanyang baby ang pinost ni Michelle sa kanyang Instagram account na ang isa ay kasama pa sila ng kanyang mister.

Natupad ang pangarap ni Michelle na magkaroon ng kumpletong pamilya nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz at sumama sa kanyang boyfriend para sa Amerika na manirahan.

Dahil kapapanganak pa lang, wala pang update kung kailan babalik sa ‘Pinas ang aktres at kung mag-aartista pa siyang muli.

Ang priority daw nito ngayon ay ang alagaan ang kanyang baby at manatili sa piling ng kanyang boyfriend.
Ilan sa mga bumati kay Michelle sa panganganak ay sina Maxene Magalona.

@maxenemagalona, “Ahhh!!! Congratulations!!! She is BEAUTIFUL! Love you @mich_madrigal so so so happy for you and troy (name ng kanyang bf).”

Ikakasal naman si Maxene sa kanyang boyfriend na si Rob Mananquil, pero hindi pa alam kung susundan agad ng pagbubuntis ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?