158

Oct 22, 2017 @ 11:16

Michelle Madrigal nanganak na sa Amerika

By Dondon Sermino

Nanay na nga ang dating seksing-seksi na si Michelle Madrigal. Ang magkaroon ng sariling pamilya sa Amerika nga ang dahilan kung bakit nawala sa showbiz ang aktres.

Si Michelle na ang bongga sana ng future sa showbiz, dahil bukod sa galing umarte, seksi nga, at palaban din ang karakter. Kumbaga, ganda-gandahan na kontrabida sana ang peg niya.

Pero, mas pinili nga niyang iwanan ang showbiz, ang Pilipinas. At heto nga, may sarili na siyang pamilya sa Amerika.

“She was too anxious to meet the world… Anika Austin Woolfolk | 6lbs 8oz | 20in. Born 10-20-17 at 1:39am,” sabi ni Michelle sa Instagram post niya.

Of course, kasama ni Michelle ang fiancé niyang si Troy Woolfolk sa oras ng kanyang panganganak. At bago nga manganak si Michelle, isang madamdaming mensahe ang pinost niya para sa kanyang baby.

“To our first born, there’s nothing daddy & I won’t do for you. You will be loved unconditionally and have fit parents to keep up with all your activities. We will figure out this parenting together to give you a life you truly deserve. Love, MoM & Dad.”

Sobrang happy ang friends ni Michelle like Maxene Magalona, Carla Humphries, at Rufa Mae Quinto sa bagong chapter na ito ng buhay ni Michelle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?