152

Jun 21, 2020 @ 18:10
By

Michelle Madrigal gumaan pakiramdam sa pagtanggal ng breast implant

Wala nang nararamdaman na sakit sa boobs, pagkabalisa at iba pang epekto sa pagkakaroon ng breast implant si Michelle Madrigal.

Sa vlog ni Michelle, binahagi nito ang kanyang karanasan matapos matanggal ang mga silicon sa kanyang dibdib noong Disyembre.

“It’s been six months since I removed these toxic bad boys… I feel perfectly fine,” saad ni Michelle.

Aniya, sa ngayon ay hindi na niya nararamdaman ang ilang sintomas ng “breast implant illness” tulad ng pangangati ng kanyang boobs, chest pain, hindi mapaliwanag na pagod at pagiging makakalimutin.

“Even though I was getting like 8-10 hours of sleep, I will still be tired the next day. And even after taking a nap, I’m always fatigued. I’m not sure what it was, but now I feel more energy. I barely take naps,” ayon pa sa dating celebrity.

Ayon kay Michelle, kaya niya pinatanggal ang mga implant ay dahil nais niyang maging healthy para sa kanyang anak at asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?