140

Oct 22, 2017 @ 12:02

Michelle girl ang unang baby

BABY girl ang unang anak nina Michelle Madrigal at ng boyfriend na si Troy Woolfolk, na pinangalanan nilang Anika Austin. Nanganak nga si Michelle sa Amerika last Oct. 20.

“She was too anxious to meet the world. Anika Austin Woolfolk, 6lbs 8oz, 20in.  Born 10-20-17 at 1:39am,” sey ni Michelle.

Natupad ang dream ni Michelle na magkaroon ng kumpletong pamilya nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz at sumama sa kanyang boyfriend para sa Amerika na manirahan.

Dahil kapapanganak pa lang, wala pang update kung kailan babalik sa Pinas ang aktres at kung mag-aartista pa siyang muli. Ang priority niya ngayon ay ang alagaan ang kanyang baby at manatili sa piling ng kanyang boyfriend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?