72

By

Michelle Dee tiyak na sa Miss World Top 40

Garantisado na ang pwesto ni Michelle Dee sa Miss World 2019 matapos magwagi sa head-to-head challenge.

Sa paligsahang ito ng Miss World, tatanungin ang mga kalahok tungkol sa kanilang mga adbokasiya.

Natalo ni Dee ang mga representative mula sa Rwanda, Aruba, Dominican Republic, at Ghana sa unang round, maging si Miss World Turkey sa finals.

Masayang nilahad ni Dee sa Instagram ang balita.

“It’s been such a proud moment for us today mga kababayan as we’ve officially secured a spot in the Top 40 through the Head to Head Challenge!!,” hayag ng Pinay beauty queen.

“Not just that but my Beauty With A Purpose project made it to the final 20 as well (@autismphils)!” sambit pa niya.

Kasama ni Dee ang siyam pang kandidato na sigurado nang pasok sa Top 40.

Ang iba pang nanalo ay galing sa Moldova, Nepal, Venezuela, Nigeria, Mexico, Guyana, India, Trinidad and Tobago, at Paraguay.

Hangad ni Dee na sungkitin ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss World, matapos magwagi si Megan Young noong 2013.

Gaganapin ang coronation night sa London sa Disyembre 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?