11

Nov 13, 2020 @ 18:43
By

Michele pinakain mga nasalanta sa Marikina

Aktibo sa pagtulong si Michele Gumabao sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Marikina City.

Sa Instagram post ng volleyball-turned-beauty queen, binahagi nito na namigay siya ng pagkain sa aabot sa 4,000 biktima ng bagyo.

Ito’y parte ng bayanihan program kasama ang Philippine National Police.

“More than 5000 meals were provided today by our PNP not only for victims of the typhoon but also for all the frontliners who are braving the floods to rescue stranded residents!” ayon kay Michele. “I salute our PNP,Army,Navy,Coastguard and all other Gov and NGO who are at the front lines of service!”

May fundraiser din ang 2020 Miss Universe Philippines 2nd runner-up na ‘Your 200 Pesos’ para din sa mga nasalanta ng bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?