43

Oct 8, 2021 @ 20:03
By

Michele Gumabao sumapi sa party-list ni Mocha

Sumali ang volleyball star na si Michele Gumabao sa party-list ni Mocha Uson.

Pinangalanan si Gumabao bilang second representative para sa Mothers for Change o MOCHA party-list.

Si Mocha ang first representative nito.

Hindi ito ang unang beses na pagsabak sa politika ni Gumabao.

Naging ambassador na ang dating UAAP MVP ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?