35

Oct 30, 2020 @ 10:53
By

Michele Gumabao suko na sa beauty pageant

Huling hirit na raw ni Michele Gumabao ang Miss Universe Philippines 2020.

Aniya, dahilan ng pag-atras na niya sa mga pageant ang kanyang edad.

“Unfortunately po, because of my age, there will be no more beauty pageants for me,” sambit ni Michelle sa isang article ng PEP.

Sa kabila noon ay magiging busy naman daw si Michele sa pagiging professional athlete at businesswoman.

May isa pa raw siyang career na tinatarget pero sa tamang panahon niya ito sasabihin.

Si Michele ang tinanghal na second runner-up sa nabanggit na kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?