30

Oct 19, 2021 @ 15:46
By

Michele Gumabao sa team-up kay Mocha: ‘Wag humusga base sa socmed

Ipinagtanggol ni Michele Gumabao ang sorpresang pakikipagsanib-pwersa niya kay Mocha Uson bilang kinatawan ng Mothers for Change party-list para sa 2022 elections.

Si Gumabao ang tatayong ikalawang nominee ng partylist, na naglalayon umanong irepresent ang mga ina, lalo na ang mga single at teenage mothers.

Umani ng batikos si Gumabao – dating volleyball player at beauty queen – sa pagkampi niya kay Uson na kontrobersyal sa pagpapakalat ng fake news at ilang beses na pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno.

Ngunit ayon kay Gumabao, siya rin ay may duda sa pagkatao ni Uson ngunit nagbago ito nang magkita at magusap na sila ng personal.

“I’ve shared the sentiment of the general public when I first met her (Uson). But we only believe what we see on media and social media. More than fake news, and back with what I said in 2018, being responsible with what you report, you have to make it a point to see what’s the truth by going out there and meeting the person and confirming what you’re reading online. That’s what I did. I asked her questions straight up. That’s when we get past the scrutiny of the public,” wika ni Gumabao sa panayam ng CNN Philippines.

“It’s normal when you don’t know the person and that’s why I also had it in me to respect all these people who say negative things on social media because at the end of
the day, they only know what they see on social media,” dugtong pa niya. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?