44

Oct 25, 2020 @ 21:03
By

Michele Gumabao inindyan Miss U presscon

Hindi na nasilayan si Michele Gumabao sa press presentation ng Top 5 candidate ng 2020 Miss Universe Philippines nitong Linggo.

Pinag-usapan sa social media ang no-show ni Michele sa nasabing event na ginanap sa Baguio Country Club, kung saan siya lang ang kulang.

Sa nilabas na statement ni Michele, inamin nito na umalis na siya bago pa man ang press presentation dahil hindi niya kinaya ang mga nagtatanong kung bakit siya natalo.

“I can handle defeat hahahaha I can’t handle the people asking me why why why,” saad ni Michele.

Aniya pa, alam na niya kinagabihan pa lang ang resulta ng naturang kompetisyon at piniling umalis ng maaga sa venue.

“I knew who won last night pa, I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened, all the hugs all the looks, I couldn’t handle that,” sey pa nito.

Nasungkit ni Michele ang second runner-up finish, dati na rin itong naging titlist sa Binibining Pilipinas 2018 kung saan kinoronahan siya bilang BB. Pilipinas Globe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?