39

By

Michele Gumabao ibinida ang national costume para sa Miss Globe 2018

Sharing is caring!

Angat ang ganda ni volleyball player turned beauty queen Michele Gumabao sa kanyang sarimanok inspired Filipiniana para sa kanyang pagsabak sa Miss Globe 2018.

Nasa Albania ngayon si Gumabao para sa preparasyon ng koronasyon.

Mukhang excited na ngang rumampa si Gumabao at binida na niya ang kanyang gown na gawa ng designer na si Nat Manilag.

Si Manilag din ang gumawa ng gown ni Gumabao nang lumaban siya sa Binibining Pilipinas at naikuwento din ito ng ating pambato sa isang interview na pinost ni Manilag sa kanyang IG account.

β€œMy designer for my international pageant here was also my designer back home for Binibining Pilipinas where I won Binibining Pilipinas Globe. He’s Nat Manilag. I still wanted to maintain that terno which is the national outfit, national costume. You always see that terno, called also a Filipiniana. And I wanted to have a twist, and Nat thought of having a sarimanok,” ayon kay Gumabao.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Globe 2018 sa Amphitheater of Tirana sa Albania, October 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?