480

Jan 21, 2021 @ 20:52
By

Michele Gumabao ibinalandra katawan

Ibinalandra ni volleyball star-turned-beauty queen Michele Gumabao ang kanyang seksing katawan suot ang puting bikini.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang 28-anyos na tila paahon sa pool.

“I’ll meet you pool side,” saad niya sa caption ng naturang post.

Agad naman itong umani ng maraming like at komento mula sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

Noong nakaraang taon nang masungkit ni Gumabao ang second runner-up sa taunang Miss Universe Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?