50
ABANTE michele gumabao alyssa valdez v league

Michele Gumabao, Alyssa Valdez magsasanib sa V-League

Sharing is caring!

Kinumpirma sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ni Michele Gumabao ang pagsasama nila sa isang team nina Melissa Gohing at Alyssa Valdez para sa paluan sa Premier Volleyball League (PVL).

Lalaro si Gumabao bitbit ang bandera ng Creamline sa naturang liga kasama ang bigatin ding volley stars na sina Gohing at Valdez.

Makakasama nga ng dating team captain ng La Salle ang kapwa Lady Archers spiker na si Gohing.

Kamakailan lang ay nilayasan ni Gumabao ang Cocolife sa Philippine Super Liga at ngayon ay sasabak naman sa Premier V-League.

Dagdag pa sa kalakasan ng koponang Creamline Cool Smashers sina dating Ateneo stars Alyssa Valdez at Jia Morado, ayon sa Spin.ph.

Samantala, usap-usapan ngayon si Gumabao dahil sa pagsabak nito sa 2018 Bb. Pilipinas pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?