355

Feb 12, 2020 @ 16:41
By

‘Michael Yang’ protektor ng POGO trafficking

Ibinunyag ng isang dating manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mula sa Taiwan ang isang “Michael Yang” na diumano’y protektor ng mga iligal na aktibidad sa nasabing kumpanya.

Sumabit ang pangalan ni Yang matapos lumantad nitong Miyerkoles sa Senado ang 23-anyos na Taiwanese na si Lai Yu Cian o Ivy at inaming naging biktima siya ng human trafficking na napuwersang magtrabaho sa offshore gaming firm na diumano’y pinoprotektahan ng mataas na opisyal ng gobyerno.

Sinamahan si Lai ni Senadora Risa Hontiveros na siyang nanguna sa pag-imbestiga sa pag-abuso ng POGO.

“My boss threatened me and abused me, mental and physical. I already tell them I wanna go home, I wanna go back to Taiwan, but they forced me to work for them,” lahad ni Lai.

“They always say that they have a protector behind them who is government people so I think even if I run away, escape, they will still find me and kill me,” dagdag pa nito.

Sabi nito, isang “Michael Yang” ang diumano’y protektor ng kanyang mga employer.

Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy nito ay ang dating Economic Adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“They said that there is a very powerful government people who calls Michael Yang. I heard that once or twice from my boss. Say that there are government person to protect their business,” ayon kay Lai.

Dumating si Lai sa Pilipinas bilang turista noong Oktubre 1 at inalok na magtarbaho bilang administration personnel ng POGO.

“I did not know that it was an illegal business here. I know nothing. The only thing I know is I wanna have a job,” sambit ni Lai, kasabay ng pagsabing kinuha ng kanyang Chinese employer ang kanyang passport.

“Every time my boss is mad, he always shouted in Chinese and say, ‘you’re now my staff, I already bought you from other boss.’ So they say I have to work for them. And my cellphone have to turn out 24 hours, they treat me like a slave,” sabi pa ni Lai.

Pinagbantaan pa siya ng kanyang employer na papatayin ang kanyang pamilya kapag nagsumbong ito sa National Bureau of Investigation (NBI).

“In my company, there are also Chinese nationals. My boss tells them that if anyone goes to NBI (National Bureau of Investigation), their families in China will be in danger,” ayon pa kay Lai.

Si Lai ay kabilang sa 30 na na-rescue sa Mandaluyong noong Pebrero 3. Apat na Chinese national ang inaresto at kinasuhan ng illegal detention.

Sabi pa ni Lai, nagdesisyon siyang lumantad para matulungan siya ng embahada ng Taiwan ng Pilipinas na makabalik sa kanyang bansa.

“I choose to tell my story in public because I want my embassy, Taiwanese embassy to help me. I’m Taiwanese. The government people of my nation, Taiwan can help me to find a way back to home,” pakiusap pa ni Lai. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?