45

Sep 13, 2021 @ 18:26
By

Michael Yang pinalalagay sa BI watchlist

Plano ng Senate blue ribbon committee na ilagay sa watchlist order ng Bureau of Immigration (BI) si dating presidential adviser Michael Yang.

Hindi nakadalo si Yang sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee nitong Lunes dahil tumaas ang blood pressure nito, ayon sa abogado nitong si Atty. Raymond Fortun.

Dahil dito, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros kung nag-isyu na na ba ng hold departure order laban kay Yang.

Sabi naman ng komite, pag-uusapan pa nila ito.

Iminungkahi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mag-request ang Senado sa BI na ilagay sa watchlist order si Yang sakaling magtangka itong umalis ng bansa.

“May we then suggest that we request the Bureau of Immigration through DOJ (Department of Justice) to issue a watch order so that if a witness who tried to leave, the blue ribbon committee will be notified immediately,” sabi ni Drilon.

Sinabi naman ni Senate blue ribbon committee oversight office management director-general Rodolfo Quimbo na magpapadala sila ng letter request sa BI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?