152

Sep 10, 2021 @ 19:34
By

Michael Yang, Pharmally exec aarestuhin

Dahil sa pagiging “evasive” sa kanilang mga sagot, pina-cite for contempt ng mga senador at pinaaresto ang dating economic adviser na si Michael Yang at Pharmally Pharmaceutical Corp. official na si Linconn Ong.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa diumano’y overpriced na COVID-19 supply, naghain si Senador Panfilo Lacson ng mosyon para mag-isyu ng panibagong warrant of arrest laban kina Yang at Ong matapos ang maobserbahan ang hindi pagkatugma-tugma ng kanilang mga testimonya.

“May I move or issue the motion Mr. chairman, it’s not only Mr. Ong who is being evasive. I think Mr. Yang likewise is being evasive because we cannot get an answer and clearly they are being evasive,” sabi ni Lacson.

“So I would really move, either not to lift the warrant of arrest issued by the Senate president or issue a subsequent warrant of arrest for being evasive,” dagdag pa nito.

Sinegundahan naman ni Senadora Hontiveros ang mosyon ni Lacson. Agad naman inaprubahan ng Senate blue ribbon committee ang mosyon at pinaaresto sina Yang at Ong.

Ang bagong warrant of arrest ay kailangan pimrhan ni Senate President Vicente Sotto III bago ito iisyu kina Yang at Ong.

Nauna nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Senado laban kina Yang, Ong at apat pang opisyal ng Pharmally dahil pag-isnab sa subpoena na ipinadala laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?