29

Sep 13, 2021 @ 12:54
By

Michael Yang na-high blood, di nakadalo sa pagdinig ng Senado

Nabigong makadalo si dating presidential economic adviser Michael Yang sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa “overpriced” COVID-19 supply.

Ayon kay Atty. Ramond Fortun, abogado ni Yang, pinayuhan si Yang ng kanyang doktor na magpahinga matapos tumaas ang blood pressure nito.

“I regret that Mr. Michael Yang would not be able to attend today’s hearing. We are supposed to be meeting here at the place in Insular Village 1 before 9:30 today,” lahad ni Fortun sa Senate blue ribbon committee.

“On the way, he had texted me and then called and said his blood pressure suddenly shot up and for that reason, he was advised by his doctor to stay at home,” pagpapatuloy niyo.

Sabi ni Fortun, ipapadala niya sa komite ang medical certificate para suportahan ang kanyang paliwanag patungkol sa pagliban ng kanyang kliyente sa pagdinig.  

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?