43

Sep 9, 2021 @ 20:58
By

Michael Yang dadalo sa pagdinig ng Senado; humirit ng interpreter

Kumpirmado nang dadalo sa ikalimang pagdinig ng Senado tungkol sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 ang dating presidential economic adviser na si Michael Yang.

Mismong ang legal counsel ay nagpadala ng liham sa tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III at sa Senate blue ribbon committee na nagsasabing dadalo sa pagdinig si Yang.

“This is to confirm the attendance of our client, Mr. Michael Yang, in all hearings of the Senate blue ribbon committee… from September 10, 2021, until the same is terminated,” ayon kay Atty. Raymond Parsifal Fortun.

Humiling din si Fortun ng interpreter para kay Yang dahil nahihirapan itong magsalita ng English at Filipino at mas gusto umano nitong magsalita gamit ang salitang “Mandarin”.

“With your Honors’ kind indulgence, in order to aid in communication, may we ask that an interpreter be made available in all hearings who can translate the Senators’ questions to Mandarin and later translate Mr. Yang’s responses thereto to English,” sabi ni Fortun.

“We also pray that Mr/ Yang’s own interpreter be allowed by his side and be a ‘silent’ participant in the hearings in the event that the translation would require amendment or correction,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Sotto na puwede namang magbigay ang Senado ng interpreter para kay Yang. “Pwede kami mag-provide,” sabi ni Sotto.

Noong Martes, nag-isyu ng warrant arrest ng Senado matapos isnabin ng dalawang beses ni Yan ang imbitasyon ng komite na dumalo sa pagdinig sa diumano’y overpriced na personal protective equipment (PPE), face mask at face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?