38

Aug 13, 2020 @ 20:33
By

Michael V nakarekober sa COVID-19

Bilang pasasalamat matapos niyang makarekober sa COVID-19, gumawa ng fan art para sa mga frontliner ang comedian na si Michael V.

“Sa ngayon tapos na ang quarantine ko at masasabi kong okay na. Naka-recover na ako,” ani Bitoy sa kanyang latest vlog post sa YouTube.

“Alam niyo ba kung sino ang paborito kong heroes ngayon? Ang sinasabi kong heroes ay napapanahon, hindi kathang-isip, hindi masyadong makulay ang costume at higit sa lahat ay totoong nagliligtas ng buhay during the pandemic. Ang tinutukoy ko ay yung mga medical frontliners natin, ‘yung mga healthcare workers,” dagdag niya.

Ani Michael V, first time niyang makita ang hirap ng mga healthcare worker nang magpositibo siya sa coronavirus disease.

“Noong nag-positive ako first time ko nakita ‘yung hirap nila, ‘yung sakripisyo nila at saka ‘yung dedication para sa profession nila. At dahil diyan gusto kong gumawa ng fan art para sa kanila,” aniya.

“I made sure na mailagay lahat ng detalye na tumatak sa isip ko — ‘yung tagaktak ng pawis nila kapag naghuhubad ng PPE, ‘yung pangungulubot ng mga kamay dahil sa ilang patong na gloves, ‘yung marka na iniiwan dahil sa maghapong pagsusuot ng face masks. Ito po ang paraan ko ng pasasalamat sa mga health care workers natin,” dagdag niya.

Kaya umapela siya sa mga fan na manatili na lang sa bahay at sumunod sa mga protocol para matulungan ang mga frontliner.

“Kahit po mga superheroes at one point ay natatalo sa mga kalaban. Ang mga medical frontliners po natin ay hindi superheroes, wala po silang superpowers, kaya kung pwede po sana ay huwag natin silang hayaang matalo, tulungan po natin sila. Mag-ingat po sana tayo at sumunod po sana tayo sa batas at protocols para hindi na madagdagan ang kaso ng COVID.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?