12

Mar 8, 2021 @ 17:48
By

Michael V ginunita ika-12 death anniversary ni Francis M

Ginunita ni Michael V ang ika-12 death anniversary ng kanyang matalik na kumpare na si master rapper Francis Magalona.

“It was 12 years ago that Kiko passed away at 12pm,” saad ng komedyante sa caption ng kanyang Instagram post na may litrato ng rapper.

“This photo was taken on October 25, 2008 during his last performance sa Eat Bulaga. Lahat kami expected na babalik na s’ya sa regular hosting after that set. Lahat kami umasa. At lahat kami nabigo,” pagpapatuloy niya.

Ani Michael V, malaking parte ng Eat Bulaga ang namatay nung nawala ang rapper ngunit nananatili namang buhay ang diwa nito sa show.

“I think a part of EB died nu’ng nawala s’ya. Pero a big part of him stayed with all of us.bStill missing you, my brother even after all these years.”

Marso 6 taong 2009 nang pumanaw ang rapper matpos ma-diagnose ng acute myelogenous leukemia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?