37

Aug 11, 2020 @ 16:30
By

Michael Pacquiao sikat lang dahil sa ama – mga netizen

Hanggang ngayon ay top three trending Youtube video pa rin ang ‘Wish Bus’ performance ni Michael Pacquiao sa kanyang kantang ‘Hate’.

Ngunit ilang netizen ang hindi natuwa sa biglaang pagsikat ng anak ni Manny ‘Pac-Man’ Pacquiao.

Sa Twitter pinag-usapan ang naturang rap performance ni Michael, kung saan ilan ay sinasabing tila sumisikat lamang daw ito dahil sa pangalan at yaman ng kanyang tatay.

“Yo hate but this really highlights the fact that u can be anything when ur rich lol,” ayon kay @yomattyu.
“I guess there’s nothing wrong w Michael Pacquiao and his song, it’s just that .. sometimes it really shows that the name makes a song popular than the hustle they put into it,” ayon naman kay @lycalizette.

Sa kabila ng mga panlalait, marami din ang nagtanggol kay Michael, sinabing may talento naman ito sa pagra-rap at hindi rin kasalanan na maging anak ng ‘Pambansang Kamao’.

Sa ngayon ay mayroon ng lampas 6 million views ang kanyang pag-rap sa ‘Wish Bus’, may 365,000 likes at 7,100 dislikes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?