13

Apr 11, 2021 @ 16:02
By

Michael Martinez kailangan ng P2M para sa Olympic dream

Naglunsad ng fundraiser para kay Pinoy skater Michael Martinez sa pagtatangka nitong makapasok sa 2022 Winter Olympics.

Sa gofundme website na ginawa ni Geoffried Viz, target ng grupo ni Michael na makalikom ng $50,000 o katumbas ng lampas P2.4M para sa gagastusin sa training ng atleta.

Ayon sa naturang fundraiser, nag-eensayo ngayon si Michael sa USA sa ilalim ng international coach na si Nikolai Morozov.

Asam ni Martinez na maging kauna-unahang tropical country ang Pilipinas na makasungkit ng medalya sa Winter Olympics.

Saad pa sa page na aabot sa $16,000 ang kanilang ginagastos para sa training ni Martinez, kaya’t dumudulog ng tulong para sa atleta.

“Michael’s determination and dedication to the sport  are truly admiring and are stronger than ever before. He never wavers despite the risks of the virus Covid19. But because of Covid19 health crisis, it has been difficult to find sponsors to help him in his journey,” saad sa gofundme page.

Si Marinez ang kauna-unahang Pinoy na nakasalang sa Winter Olympic Games noong 2018.

Para sa mga gustong mag-donate sa Pinoy skater, i-click lamang itong link.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?