368

By

Michael Jordan o LeBron James bilang NBA Goat? Iverson sumagot

Sharing is caring!

 

Para kay ‘The Answer’, hindi na dapat pagdebatehan kung sino ang pinakamagaling na manlalarong tumapak sa mundo ng NBA.

Sa artikulo ni Allen Iverson sa ‘The Players’ Tribune’, kanyang binasag ang isa sa pinakapatok na tanong, sino ba talaga ang ‘Greatest of All-Time’ sa prestihiyosong liga?

Sa ngayon, dalawa ang matunog na pangalan, sa bagong henerasyon, mas kilala si LeBron James, ngunit tila immortal na ang pangalan ng Chicago Bulls legend na si Michael Jordan na kilala hanggang ngayon.

“First of all, I love LeBron. I have nothing but love for LeBron. That’s the best player of his generation, one of the best ever, a great husband, great father, great role model, and it’s even beyond that: What he’s doing with that school in Akron?? It’s a beautiful thing,” pahayag ni Iverson.

Ngunit kahit anong papuri pa ang sambitin ni Iverson kay James ay wala pa ring titibag sa naiambag ni Jordan sa NBA.

“But y’all… We’re talking about Mike. We’re talking about Mike, O.K.?? We’re talking about Black Jesus himself.”

Tapos na ang debate para kay AI, isa sa mapapalad na makatunggali sina Jordan at James.

“And I don’t really have much more to say beyond that. Mike is the GOAT……. Mike is always going to be the GOAT. And please don’t even insult me with any of this “stats, AI!” business, like you have a chance of changing my mind,” mariing tugon ng 11-time All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }