804

By

Michael Jordan huling nambabatok ng player

Nakatikim ng hagupit ni NBA legend na si Michael Jordan ang kanyang manlalaro sa New Orlean Hornets na si Malik Monk.

Matapos makahabol sa 12 puntos na disadbantahe, lumamang ang Hornets sa bisa ng jumper ni Jeremy Lamb, 108-106, kontra sa Detroit Pistons para sa tsansang maitakas ang panalo, 0.3 segundo na lang ang nalalabi sa laban.

Dahil sa excitement sa tira ni Lamb, biglang pumasok ng court ang kanyang kakampi na si Malik Monk kahit pa hindi ito kasama sa limang sabak sa laban.

Ang ending, na-technical foul ito para mailapit sa isa ang score, 108-107, na ikinadismaya ng team owner na si Michael Jordan.

Huling binatukan nito si Monk dahil sa naging error, buti na lang at hindi na nakaiskor pa ang Pistons kundi ay baka hindi lang batok ang naabot ni Monk.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?