8

Sep 22, 2020 @ 15:30
By

Michael Jordan haharurot sa NASCAR

Pinasok na rin ni basketball GOAT Michael Jordan ang mundo ng pagkakarera.

Sa nilabas na pahayag ng six-time NBA champion, inanunsyo nito na bumili siya ng koponan na sasalang sa NASCAR Cup kung saan siya ang magiging majority owner ng naturang franchise.

“Growing up in North Carolina, my parents would take my brothers, sisters and me to races, and I’ve been a NASCAR fan my whole life,” saad ni Jordan, na team owner din ng Charlotte Hornets sa NBA.

Kinuhang driver ni Jordan ang natatanging black American sa NASCAR na si Bubba Wallace.

“The opportunity to own my own racing team in partnership with my friend Denny Hamlin, and to have Bubba Wallace driving for us is very exciting for me,” lahad pa nito.

“The timing seemed perfect as NASCAR is evolving and embracing social change more and more. In addition to the recent commitment and donations I have made to combat systemic racism, I see this as a chance to educate a new audience and open more opportunities for black people in racing,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?