66

Feb 9, 2019 @ 12:22
By

Michael Jackson’s estate umapela sa HBO dahil sa dokyu

Hinimok ng pamunuan ng estate ni Michael Jackson na magkaroon ang HBO ng mabusising imbestigasyon sa background ng producers ng documentary na ‘Leaving Neverland’ na tumatalakay sa diumano’y pangmomolestiya ni Michael Jackson sa mga ito.

Umapela ang estate sa desisyon ng HBO na i-ere ang naturang dokumentaryo na ginawa nina Wade Robson at James Safechuck.

Iginiit ng estate na nagsisinungaling ang dalawa at ang mga patunay sa korte at inconsistencies ng kwento ay patotoo rito.

Ang sulat na ginawa ng estate attorney na si Howard Weitzman ay naglalaman ng apela nito sa naturang dokumentaryo.

Nakasaad sa sulat na ang dokyu at naka-focus lang umano sa kwento nina Robson at Safechuck at wala ni isang ininterview mula sa panig ni Michael Jackson.

Dagdag pa rito, sinabi ng Weitzman na si Robson, isa sa mga producer at nag-akusa kay Jackson, ay ninais magtrabaho noon sa Jackson-themed Cirque du Soleil show at hindi natanggap at diumano ang pangyayari ang nag udyok ditong magsampa ng kasong molestation laban kay Jackson.

Samantala hindi naman nagbago ang desisyon ng HBO na i-ere ang dokyu sa kabila ng apela ng kampo ni Jackson.

“Our plans remain unchanged. … Dan Reed is an award-winning filmmaker who has carefully documented these survivors’ accounts. People should reserve judgment until they see the film,” saad ng HBO sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?