362

Feb 27, 2020 @ 15:27
By

Michael Flores inaming naging sila ni Angelu de Leon

Nabunyag sa “Eat Bulaga” na naging magkarelasyon sina “TGIS” star Michael Flores at Angelu de Leon.

Nawindang ang mga netizen nang sabihin ni Flores sa Bawal Judgemental segment na naging sila ni Angelu, na akala ng lahat ay si Bobby Andrews na ka-loveteam ng huli sa sikat noong 90s na teen-oriented show.

Iba rin ang katambal noon ni Flores na si Raven Villanueva.

“Batang TGIS ako Ganda kaya niyan everyweekend nakatutok ako dyan. Kinikilig ako Kay Bobby Andrews at Angelu de Leon pero mas naloka ako naging sila pala ni Michael Flores hahahaha,” ani @GailOrante.

“Akala ko talaga dati may Angelu de Leon at Bobby Andrews in RealLife , LOVETEAM lang talaga sila dati. Tas ayun pala si Michael Flores at Angelu pala talaga in Real life,” ani @Yssaahhhhh_V.

“Nakakaloka naging si Angelu at Michael Flores hahaha i kennat!! hahaha yes! TGIS tlaga eh! #BawalJudgemental,” comment ni @iamkhor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?