62

Dec 5, 2020 @ 12:53
By

Michael Flores biniktima ng basag kotse

Wasak ang salamin ng kotse ng aktor na si Michael Flores matapos itong makursunudahan ng basag kotse modus.

Sa Instagram post ng dating TGIS member, pinakita nito ang basag na salamin ng kanyang SUV.

Hindi nito dinetalye kung saan nangyari ang insidente, ngunit aniya ay naka-park siya sa labas ng isang restaurant matapos mag-badminton.

Nakuha sa kanya ang kanyang badminton bag.

“Unfortunately, while i was parked outside the resto after playing badminton, this happened…tsk.. Diyos nalang bahala sa inyo,” ayon kay Michael.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?