500

Jul 7, 2019 @ 15:13
By

Miami namumurong makasungkit kay Westbrook

Ilang oras matapos matuloy ang napaulat na trade kay Oklahoma City Thunder forward Paul George patungong Los Angeles Clippers para bumuo ng power duo kasama si Kawhi Leonard, isa pang star ng OKC ang gustong sumunod sa yapak ng star player at iwanan na rin ang koponan.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, nakikipag-usap na ang kampo ni 2017 NBA MVP Russell Westbrook sa Thunder para sa isang potensyal na trade para mailipat siya sa ibang koponan.

“Russell Westbrook and his agent Thad Foucher are engaged with OKC GM Sam Presti on next steps for the All-Star guard, including the possibility of trade this summer,” saad sa tweet ni Wojnarowski.

11 taon nang nanatili si Westbrook sa Thunder, buhat nang iwan ng dating ka-partner nitong si Kevin Durant ang OKC ay siya na ang nagsilbing sandigan ng koponan, patunay sa pag-akay nito ang triple-double averages nito sa huling dalawang season.

Busog man pagdating sa stats, gutom naman ang OKC sa success sa postseason, hindi pa makalagpas sa 1st round ng Western Conference kahit pa nagdagdag na nang katulong sa katauhan ni George.

Sa naging laban sa pagitan ng Boston at Philadelphia sa Summer League, isa pang pasabog ang binato ni Wojnarowski, sinabing dapat abangan ang Miami na binansagan niyang ‘team to watch’ para makuha si Westbrook.

Maraming piyesa ang Miami para matapatan ang max contract na abot sa $38.5M, nandyan sina Goran Dragic, Justise Winslow at Bam Adebayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?