31

Jul 4, 2020 @ 13:52
By

Miami Heat player sapul ng COVID

Isa pang manlalaro mula sa Miami Heat ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa tweet ni Ethan Skolnick ng Five Reason Sports, sinarado muna ang training facility ng Heat dahil sa ikalawang manlalaro na tinamaan ng virus.

Ibig sabihin ay hindi muna makakapag-ensayo ang koponan hanggang sa makarating sila sa Orlando sa susunod na linggo, kung saan gaganapin ang pagpapatuloy ng NBA season.

Hindi pinangalanan ang nasabing player na nagpositibo sa virus, ngunit una nang kinilala si Derrick Jones Jr bilang isa sa mga manlalaro na dinapuan ng COVID-19.

Hindi lang Heat ang nagsara ng training facility, nauna nang binakuran ng Los Angeles Clippers at Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad dahil din sa positibong resulta sa mga manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?