17
Erik Spoelstra

Miami Heat coach Erik Spoelstra, sumalang sa #ALSPepperChallenge

Sharing is caring!

Sumalang si Miami Heat coach Erik Spoelstra sa #ALSPepperChallenge at sisiw lang sa kanya ang pagkain ng maanghang na mga sili.

Tulong niya ito sa ina ng kaniyang kaibigan na may sakit na Amyotrophic Lateral Sclerosis o ALS, sa ulat ng DZMM.

Sa video na ini-upload sa Facebook account ng Miami, sabay kinain ni Spoelstra ang dalawang sili bilang suporta sa ina ni Tom Haberstroh na si Patty, na nakikipaglaban sa sakit na ALS.

Hinikayat din nito ang netizens na sumalang din sa challenge at magbigay ng donasyon para sa mga may karamdamang ALS na aniya’y hindi lubusang napopondohan ang therapy.

Hinamon din nito ang mga kaibigang sina David Fizdale, Jason Jackson, at Ira Winderman na gawin din ang challenge at magbigay ng tulong.

Noong 2014, marami ang nakibahagi sa ALS Ice Bucket Challenge, kung saan binubuhusan ng isang balde ng mayelong tubig ang tumatanggap sa hamon upang makakalap ng donasyon.

Ilang celebrities ang nakiisa sa kampanya at binuhusan ang sarili nila ng puno ng yelong tubig kabilang na sina Taylor Swift, Justin Timberlake, Selena Gomez, Demi Lovato, Ashton Kutcher, Gwen Stefani at Justin Bieber.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?