22
manila-intl
By

MIAA, iimbestigahan din ang pagkahuli sa 2 airport police dahil sa extortion

Sharing is caring!

Magkakaroon ng sariling imbestigasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng pagkakadakip sa dalawang airport pulis na nahuli kagabi na nagongotong.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, inatasan na niya si MIAA Assistant General Manager for Security Arnulfo Junio na magsiyasat din ukol sa alegasyon.

Kagabi, hinuli ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sina Airport Police Officers Danilo Levite Jr. at Pablo Atayde Jr. dahil nangongotong umano sa mga driver na kumukuha ng pasahero sa NAIA Terminal 2.

Dinakip ang mga ito matapos tumanggap ng marked money mula sa CITF operative na nagpanggap na driver na nakotongan din.

Ayon kay Monreal, ang pagkakadakip sa dalawa ay indikasyon na desidido ang gobyerno na wakasan ang mga pag-abuso.

Ang dalawa ay nasa kustodiya ng PNP-CITF sa Camp Crame at ipaghaharap ng mga kasong robbery at extortion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?