132

Dec 27, 2017 @ 9:36

Mga Zamora, utak ng bomb threat sa San Juan concert – JV

May hinala si Senador JV Ejercito na ang pamilya ng kanilang katunggali sa San Juan ang nasa likod ng bomb threat sa concert venue na isinagawa noong Lunes ng gabi.

Ang nasabing concert na na ginawa malapit sa San Juan City ay pa-birthday gift ni Ejercito sa mga residente ng lungsod.

“Happening tonight at the Plaza in San Juan! May bomb threat pa! Too much of a coincidence? Desperate moves by local adversaries! Ayaw tumigil. Pero tuloy ang rakrakan!” sabi ni Ejercito sa kanyang Twitter account.

Si Ejercito ay nagdiwang ng kanyang ika-48 kaarawan noong Disyembre 26.

Inamin nitong direkta niyang inaakusahan ang mga Zamora na siya umanong may kakayahan na maghasik ng takot sa concert na pinamagatang “Alay sa Kabataan” na ginawa sa Tanghalan ng Masa sa San Juan.

Si Ejercito ay anak ni San Juan City Mayor Guia Gomez.

Si dating Vice Mayor Francis Zamora na dating kaalyado ng mga Gomez ay naghain ng petisyon para sa recall election na kinatigan naman ng Commission on Elections (Comelec).

Giit naman ng senador, walang dahilan o basehan para magkaroon ng recall election dahil maayos naman ang pamumuno ng kanyang ina sa lungsod.

Aniya, sadyang ganid lang diumano ang mga Zamora na makuha ang kapangyarihan sa San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?