87

Dec 26, 2017 @ 19:48

Mga Zamora, “forces of darkness” sa San Juan – JV

Ang angkan diumano ang pamilya ni dating Vice Mayor Francis Zamora ang nagpapasira sa tahimik na lungsod ng San Juan.

Ito ang pasaring ni Senador JV Ejercito sa kanilang mga katunggali sa lungsod, ang mga Zamora, na diumano ay siyang nagpapagulo sa kanilang lungsod dahil gusto niyang agawin ang kapangyarihan sa kamay ng kanyang inang si Mayor Guia Gomez.

Kaya ang wish ng senador sa kanyang kaarawan ngayong Disyembre 26, nais niyang maging malusog ang kanyang ina ay gabayan siya ng Diyos mula sa “forces of darknes” ng San Juan

“For her to be health and for the Lord to standby her against forces of darkness in San Juan,” reaksiyon ni Ejercito nang tanuning kung ano ang kanyang wish sa kanyang ika-48 taong kaarawan.

Si Zamora, na tinalo ni Gomez sa mayoralty race sa nagdaang 2016 elections, ang nagpetisyon ng recal elections sa San Juan na kinatigan naman ng Commission on Elections (Comelec).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?